Central Visayas: Cebu

From the Teacher, Grade 4, Homeschoolers No More No Comments

CEBU

Cebu City ang pinakamatandang siyudad sa Pilipinas. Narito ang imahe ng Santo Nino de Cebu (Holy Child Jesus of Cebu) na ibinigay kay Raha Humabon mula sa reyna ng Epsana bilang relago. Ito ang pinakamatandang imahe sa Pilipinas at ito ay matatagpuan sa Basilica de Santo Nino. Ang mga Kastila, sa pangunguna ni Ferdinand Magellan ay sumakop sa Cebu.

Kabisera: Cebu City

Populasyon: 3, 850,989 (2007)

Sukat ng Lupa: 5,088.4  sq km

Topograpiya: mayroong mga burol, bundok at kapatagan. Napaliligiran din ito ng mga baybaying-dagat

Mga Lungsod:

Panunumpa ng Scout at Batas ng Scout

Enrichment, Grade 4, Philippines, The Son No Comments
ANG PANUNUMPA NG SCOUT
Sa ngalan ng aking dangal,
ay gagawin ko ang buong makakaya;
Upang tumupad sa aking tungkulin,
sa Diyos at sa aking bayan,
ang Republika ng Pilipinas
at sumunod sa Batas ng Scout;
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon
Pamalaging malakas ang aking katawan,
gising ang isipan at marangal ang asal.
ANG BATAS NG SCOUT

Ang Scout ay:

Mapagkakatiwalaan
Matapat
Matulungin
Mapagkaibigan
Magalang
Mabait
Masunurin
Masaya
Matipid
Matapang
Malinis at
Maka-Diyos

Pagpapantig ng mga Salita

Filipino, Grade 2 Lessons, The Son Comments Off on Pagpapantig ng mga Salita

Kabutihang mula sa puso, gantimpala ang matatamo.

_____________________________________________________________

Pagbubuo ng Pantig at Pagpapantig ng Salita:

Ang ibang salita ay binubuo ng pantig. Ang pantig ay binubuo ng:

  1. Tunog na patinig lamang (P) Halimbawa: abo
  2. tunog na pinagsamamng katinig at patinig (KP) Halimbawa: guro
  3. tunog na pinagsamang patinig at katinig (PK) Halimbawa: itlog
  4. Tunog na pinagsama-samang katinig, patinig at katinig (KPK) Halimbawa: pawis
  5. tunog na pinagsama-samang dalawang katinig at isang patinig (KKP) Halimbawa: tsokolate o dalawang patinig at katinig (KKPK) halimbawa: trak

Pilipino Tayo

Grade 2 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Pilipino Tayo

Mga batayan ng pagkilala sa mga Pilipinong nakatira sa iba’t ibang mga pamayanan sa Pilipinas.

  1. Ang nanay at tatay ay parehong Pilipino.
  2. Ang mga magulang ay nanumpa at pinili ang pagiging Pilipino.
  3. Kapag ang bata ay isinilang sa Pilipinas.

May mga pangkat Pilipinong naninirahan sa iba’t ibang pamayanan ng Pilipinas katulad ng Ita, Ibanag, Badjao, T’boli at Ifugao.

Mga Pamayanan sa Pilipinas

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Mga Pamayanan sa Pilipinas

Pilipinas: Ang Bansa Natin

Mga iba’t-ibang uri ng Pamayanan sa Pilipinas:

1. pamayanang lungsod

2. pamayanang komersyal

3. pamayanang residensiyal

4. pamayanang sakahan

5. pamayanang pangisdaan

6. pamayanang bundok

Ang hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa bawat pamayanan ay naaayon sa kanilang kapaligiran.

Karapatan ng Batang Pilipino

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son No Comments

Karapatan ng Batang Pilipino (Rights of the Filipino Child)

Bawat batang Pilipino ay may mga karapatan na dapat pahalagahan, pagyamanin at pag-ingatan.

1. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan. Right to be born and be given a name.

2.Karapatan maging malakas at malusog. Right to be strong and healthy.

3. Karapatan mong mabigyan ng maayos na tahanan. Right to an abode.

4.Karapatang tumira sa isang malinis, maayos at ligtas na kapaligiran. Right to live in a clean, peaceful, and safe environment.

5.Karapatang makapag-aral. Right to education.

6.Karapatang maglibang. Right to play.

7.Karapatang malinang ang angking talino. Right to enhance talents and interests.

8.Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga. Right to have a caring family.

9.Karapatang matuto nang mabuting ugali at magandang-asal. Right to learn proper and good behavior.

10. Karapatang ipagtanggol at matulungan ng pamahalaan. Right to be supported by the government.

Igalang ang karapatan ng iba.

Karapatan ng Batang Filipino

Grade 1 Lessons, The Son Comments Off on Karapatan ng Batang Filipino


Sibika

Karapatan ng Batang Pilipino (Rights of the Filipino Child)

Bawat batang Pilipino ay may mga karapatan na dapat pahalagahan, pagyamanin at pag-ingatan.

1. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan. Right to be born and be given a name.

2. Karapatan maging malakas at malusog. Right to be strong and healthy.

3. Karapatan mong mabigyan ng maayos na tahanan. Right to an abode.

4. Karapatang tumira sa isang malinis, maayos at ligtas na kapaligiran. Right to live in a clean, peaceful, and safe environment.

5. Karapatang makapag-aral. Right to education.

6. Karapatang maglibang. Right to play.

7. Karapatang malinang ang angking talino. Right to enhance talents and interests.

8. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga. Right to have a caring family.

9. Karapatang matuto nang mabuting ugali at magandang-asal. Right to learn proper and good behavior.

10. Karapatang ipagtanggol at matulungan ng pamahalaan. Right to be supported by the government.

Igalang ang karapatan ng iba.

« Previous Entries