Grade 2 Filipino: Pangugusap

Filipino, From the Teacher, Grade 2 Lessons, Homeschoolers No More, Philippines, Younger Daughter No Comments

Pangungusap –  salita o grupo ng mga salita na nagsasabi ng buong diwa. Nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas.

Halimbawa:

  1. Naglalaro ang mga bata sa parke.
  2. Nasa labas ng bahay ang aming alagang aso.
  3. Nakinig ako kanina sa sermon ng pari sa simbahan.
  4. Ang bahay nila Ana ay malaki.

Pangungusap

Filipino, The Son Comments Off on Pangungusap

Tungkulin ng mag-aaral pumasok sa paaralan araw-araw.

Pangungusap o Di-pangungusap

Ang pangungusap ay salita o lion ng mga salitang may buong diwa. Nagsisimula ito sa malalaking titik at nagtatapos sa isang bantas.

Halimbawa:

Pangungusap:

  1. Nag-aaral mabuti si Arnel.
  2. Ang mag-aaral ay pumapasok araw-araw.

Di-pangungusap:

  1. ang inahin
  2. sa parke

Pangngalang Tiyak at Di-Tiyak

Filipino, The Son Comments Off on Pangngalang Tiyak at Di-Tiyak

Notes #2

Pangngalang Tiyak at Di-Tiyak

  • Tiyak ang pangngalang tao, hayop, bagay at pook na nagsisimula sa malaking titik.

hal: Julian, Iba, Sustagen

  • Di-tiyak ang pangngalang tao, hayop, bagay at pook na nagsisimula sa maliit na titik.

hal: bata, bayan, gatas

Buwan ng Wika

Enrichment, Images, The Son, Younger Daughter 8 Comments

Catholic Filipino Academy, kung saan nakalista ang aking anak na si Julian para sa kanyang homeschooling ay nagdaos ng pagtitipon para ipagdiwang ang Buwan ng Wika noong ika-24 ng Agosto, taong 2007. Ito ay ginanap sa Quezon City Memorial Circle sa Lungsod ng Quezon. Si Manuel L. Quezon ang pangulo ng Pilipinas ang itinuturing Ama ng Wikang Pambansa. Kaya nararapat lamang na sa lugar kung saan nakalagak ang kanyang mga labi ipagdiwang ang kanyang naiwang “advocacy” na pagpapalaganap ng wikang pambansa na isa sa mga magbubuklod sa mga Pilipino. Bagama’t ito ay napakalapit lamang sa amin, kami ay nahuli ng pagdating ng mga halos tatlong oras dahil ang inang-guro ay nagturo muna sa kanyang mga estudyante.

img_6172b.jpg

Pagdating naming doon, nagsisimula na ang paglalaro. Ang aking mga “mahiyaing” anak na akala mo ay mga anghel kapag wala kami sa bahay, ay nagmasid muna. Kanilang pinagmasdan kung paano maglakad na nakaapak lamang sa bao ng niyog at hahawak sa tali na hihilain para makatayo ng tuwid. Pagkatapos ng ilang mahahabang sandali, sila ay sumubok ding gamitin ang mga bao sa kanilang paglalakad.

img_6144b.jpg

Ito si Julian. Siya ay desidido ng pag-ibayuhin ang kanyang paglalakad gamit ang bao ng niyog. Mahirap mang balansehin ang sarili pero ito ay kanyang nagawa.

img_6147b.jpg

Ito naman ay si Tania na ne-engganyo sa paglalakad sa bao sa kadahilanang nagawa ito ng kanyang nakatatandang kapatid. Subalit sa kanyang paglalakad, siya ay mahigpit na nakakapit sa kamay ng kanyang ama na nakaalalay sa kanya.

img_6156b.jpg

Ito si Julian na nakapila para hintayin ang pagtawag sa kanyang numero para agawin ang panyo mula sa isang guro. Ang larong ito ay tinatawag na “Agawan ng Panyo.” Pasensiya na po sa mga magulang ng mga batang nilabuan ko ang mga mukha, ako ay walang permiso mula sa inyo na ilathala ko ang inyong mga anak sa intarnets kaya ganito ang aking naging pasya.

Marami pang mga laro ang ginawa kagaya ng pabitin kung saan mag-aagawan ng mga laruang nakasabit ang mga bata. Meron ding sungka at larong gamit ang mga lastiko. Hindi nawala ang “basagin ang Palayok” na may mga lamang kendi.

Ang pananghalian ay salo-salong pagkain na dinala ng mga gurong-magulang. Bagamat kami ay hindi na kumuha sa hapag-kainan dahil kami ay may dala ding baon, kitang-kita namin sa aming kinauupuan ang saya ng mga bisita para sa pagdiriwang na ito.

Pagkatapos ng lahat ng ito, ang mga bata ay nagtungo sa Butterfly House of Bahay ng mga Paru-paro. Si Jjulian ay hindi na pumasok, siya ay pagod na at nagyayayang umuwi na. Si tania ay pumasok at kaming dalawa ang namangha sa ganda ng mga paru-paro. Marami akong larawan ng mga paru-paro ng magaganda ngunit sa hindi ko alam na dahilan, marahil dahil puno na ang aking dalang kamera, ang mga ito ay nag-“error”. Dalawa lamang ang natira at ito ang isa:

img_6201b.jpg