June 25, 2008
About Tania, Filipino, Preparatory Lessons
Comments Off
Filipino Prep
Wastong gamit ng IYON (that) at ITO (this)
Ang iyon ay ginagamit kaag ang bagay na itinuturo ay malayo sa nagsasalita.
Ang ito ay ginagamit kapag ang bagay na tinuturo ay malapit sa nagsasalita.
June 12, 2008
About Julian, Filipino, Grade 2 Lessons
Comments Off
May Bagong Kaibigan
Pagtulong ay huwag ipagkait sa kapwang nasa gipit.
Sa pagpapakilala ng kamag-aral o kakilala:
- gamitin ang SIYA sa ipinapakilala.
- unahing banggitin ang pangalan ng babae o matanda.
- sabihin kung kapatid, pinsan, kaibigan o kamag-aral ang ipinapakilala.
June 11, 2008
About Tania, Filipino, Preparatory Lessons
Comments Off
Filipino Prep
Sino ako?
- Ang pangalan ko ay _______________
- Ako ay _______________ taon na.
- Ang aking kaarawan ay _________________.
- Nag-aaral ako sa _________________.
- Si ________________ ang guro ko.
- Ako ay magalang.
Ang Puno ng Buhay (The Family Tree)
- An gaming mag-anak ay binubuo nina: Tatay, Nanay, Ate, Kuya at bunso.
- May kanya-kanya kaming Gawain sa aming tahanan.
February 29, 2008
About Julian, Filipino, Grade 1 Lessons
Comments Off
Kaligtasan ng pamayanan tungkulin ng mamamayan.
Ayos ng Pangungusap
Karaniwan ang ayos ng pangungusap kung walang salitang ay.
Halimbawa:
- Naglalaro ang magkakaibigan.
- Hindi kumuha ng posporo si Eric.
Â
Kabalikan ang ayos ng pangungusap kung may salitang ay.
Halimbawa:
- Ang magkakaibigan ay naglalaro.
- Si Eric ay hindi kumuha ng posporo.
February 23, 2008
About Julian, Filipino
Comments Off
Ang pangungusap na padmdam ay nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng pagkatuwa, pagkatakot, pagkagulat, pagkagalit at iba pa. Ito ay natatapos sa tandang padamdam (!).
Halimbawa:
- Wow! Ang ganda ng laruan.
- Sus, natalo na naman tayo!
February 23, 2008
About Julian, Filipino
1 Comment
Pagtulong sa pamayanan tungkuling dapat gampanan.
Pangungusap na Pautos o Pakiusap
Ang pangungusap ay maaari ring pautos at padamdam.
Ang pangungusap nap autos ay nag-uutos o nakikiusap. Gumagamit ito ng salitang paki ang pakiusap. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
Â
Halimbawa ng Pautos:
- Pumasok ka na ng maaga.
- Huwag ka muna umalis.
Â
Halimbawa ng Pakiusap:
- Pakihulog nga ang sulat na ito.
- Pakilipat ang mga gamit.