Ayos ng Pangungusap

About Julian, Filipino No Comments

Kaligtasan ng pamayanan tungkulin ng mamamayan.


Ayos ng Pangungusap

Karaniwan ang ayos ng pangungusap kung walang salitang ay.

Halimbawa:

  1. Naglalaro ang magkakaibigan.
  2. Hindi kumuha ng posporo si Eric.

Kabalikan ang ayos ng pangungusap kung may salitang ay.

Halimbawa:

  1. Ang magkakaibigan ay naglalaro.
  2. Si Eric ay hindi kumuha ng posporo.

Pangungusap na Padamdam

About Julian, Filipino No Comments

Ang pangungusap na padmdam ay nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng pagkatuwa, pagkatakot, pagkagulat, pagkagalit at iba pa. Ito ay natatapos sa tandang padamdam (!).

Halimbawa:

  1. Wow! Ang ganda ng laruan.
  2. Sus, natalo na naman tayo!

Pangungusap na Pautos o Pakiusap

About Julian, Filipino 1 Comment

Pagtulong sa pamayanan tungkuling dapat gampanan.


Pangungusap na Pautos o Pakiusap

Ang pangungusap ay maaari ring pautos at padamdam.

Ang pangungusap nap autos ay nag-uutos o nakikiusap. Gumagamit ito ng salitang paki ang pakiusap. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).

Halimbawa ng Pautos:

  1. Pumasok ka na ng maaga.
  2. Huwag ka muna umalis.

Halimbawa ng Pakiusap:

  1. Pakihulog nga ang sulat na ito.
  2. Pakilipat ang mga gamit.

Photo Hunt: Wooden Blocks

About Julian, About Tania, Images, Enrichment, Photo Hunters 9 Comments

photohunter7iq2.png

Every Saturday, participants post photos based on a theme. the theme for this Saturday, February 23, 2008 is WOODEN.

img_0104b.jpg

Tania and Julian built a building out of the wooden blocks on the Crank a Quake table when Julian’s home school provider had a field trip at the Science Centrum almost a month ago. Then they moved the wooden table top to watch the blocks tumble down like there is an earthquake. Of course I had to explain that an earthquake is not that fun at all.

Please view our other Photo Hunt entries here. Thank you.

Mga Batang Lansangan

About Julian, Sibika (Civics) No Comments

 

 

img_1564b.jpg

Maraming batang Pilipinong lumalagi at naghahanapbuhay sa lansangan.

Kaawa-awa ang kalagayan ng mga batang lansangan kaya’t kailangan nila ang kalinga at pagmamahal ng kapwa.

Dapat nating tulungan ang mga batang lansangan upang umunlad ang kanilang buhay

Pangungusap na Pasalaysay

About Julian, Filipino No Comments

Ang pangungusap na nagsasabi o nagkukwento ay tinatawag na pasalaysay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).

 

Halimbawa:

  1. Mahusay umawit si Karen.
  2. Sumikat na ang araw.

Pangungusap na Patanong

About Julian, Filipino No Comments

Mga tuntunin ay sundin ng bukal sa damdamin.

Pangungusap na Patanong

Ang pangungusap ay maaaring nagtatanong.

Ang pangungusap na nagtatanong ay tinatawag na patanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).

 

Halimbawa:

  1. Sasama ba si Tina?
  2. Masakit ba ang ulo mo?

« Previous Entries