Central Visayas: Bohol

8:12 am From the Teacher

BOHOL

Sa Bohol unang nagkaroon ng international treaty para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ni Haring Sikatuna at Miguel Lopez de Lagazpi noong Marso 16, 1565 sa pamamagitan ng Sandugo.

Kabisera: Tagbilaran City

Populasyon: 1, 230, 110 (2007)

Sukat ng  Lupa: 4117.3 sq km

Topograpiya: Ang Bohol ay isang lalawigang talampas. Mabundok sa dakong gitna at hilaga. Matatagpuan sa mga bayan ng Carmen, Sagbayan, at Batuan ang tanyag ng Chocolate Hills, mga burol na tila tumpok ng mga tsokolate tuwing tag-araw.

Mayroong tabing-dagat na may habang 261 kilometro. Ang Bohol ay pang-sampu sa pinakamalaking isla sa Pilipinas.

Mga Lungsod: Tagbilaran City

Lengguahe: Boholano (Cebuano) at Filipino

Mga Tanyag na Tao:

  • Dagohoy, nakipaglaban sa mga Kastila na itinuturing pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Dagohoy Rebellion
  • Tamblot – isang babaylan na lumaban sa mga Kastila sa tinawag na Tamblot Uprising
  • Carlos P. Garcia ang dating presidente ng Pilipinas
  • Yoyoy Villame – isang sikat na kompositor at mang-aawit
  • Nonito Donaire Jr. – isang tanyag na boksingero
  • Cesar Montano – isang sikat na artista at pintor

Mga Produkto:

  • Mais
  • mani
  • Palay
  • Gulay
  • niyog
  • mga pagkaing dagat at korales

Mga Makasaysayang Lugar:

  • Lugar ng pinangyarihan ng Sandugo: Barangay Bool, Tagbilaran City ngunit sinalungat ng Barangay Hiniwanan sa Loay, Bohol na siya namang pinatunayan ng National Historical Institute.

Mga Magagandang Tanawin:

  • Chocolate Hills sa Sagbayan, Carmen at Batuan
  • Panglao Island kung saan makikita ang mga dolphins, baybaying may mapuputing buhanginan
  • Mga dagat na may maputing buhangin at tanyag bilang diving destinations
  • Dito matatagpuan ang Philippine Tarsier, pangalawa sa pinakamaliit na primate sa mundo
  • Maraming mga kweba at talon na pwede pasyalan
  • Nandito ang Loboc River kung saan pwede sumakay ng mga Bangka habang hinahara ng mga magagaling ng mang-aawit mula sa Loboc
  • Maraming mga lumang simbahan katulad ng Simbahan ng Baclayon. Sa tabi nito ay may matatagpuan ng museo at paaralan na itinatag ng aking yumaong lolo.

Comments are closed.