Sugnay at Parirala
July 6, 2011 6:58 pm Filipino, Grade 4, Grade 5 Lessons, Philippines, The SonAng sugnay ay lipon ng mga salitang may simuno at panaguri ngunit bahagi lamang ng pangungusap.
May dalawang uri ng sugnay:
- Ang sugnay na makapag-iisa ay bahagi ng pangnungusap na may buong diwa kahit ihiwalay sa pangungusap.
- Ang sugnay na di-makapag-iisa naman ay hindi nagbibigay ng pinangungunahan ng pangatnig gaya ng ngunit, samantalang, kung, para, habang.
Halimbawa:
- Sugnay na makapag-iisa
- Ang kalinisan sa kapaligiran ay dapat na panatilihin
- Sugnay na di-makapag-iisa
- nang maging malusog ang bayan natin.
– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –
Ang parirala ay lipon ng mga salitang walang simuno at panaguri. Wala itong buong diwa.
Halimbawa:
- ang hangin
- ang mga pulis
- mahirap gawin