Buwan ng Wika

7:08 am Enrichment, Images, The Son, Younger Daughter

Catholic Filipino Academy, kung saan nakalista ang aking anak na si Julian para sa kanyang homeschooling ay nagdaos ng pagtitipon para ipagdiwang ang Buwan ng Wika noong ika-24 ng Agosto, taong 2007. Ito ay ginanap sa Quezon City Memorial Circle sa Lungsod ng Quezon. Si Manuel L. Quezon ang pangulo ng Pilipinas ang itinuturing Ama ng Wikang Pambansa. Kaya nararapat lamang na sa lugar kung saan nakalagak ang kanyang mga labi ipagdiwang ang kanyang naiwang “advocacy” na pagpapalaganap ng wikang pambansa na isa sa mga magbubuklod sa mga Pilipino. Bagama’t ito ay napakalapit lamang sa amin, kami ay nahuli ng pagdating ng mga halos tatlong oras dahil ang inang-guro ay nagturo muna sa kanyang mga estudyante.

img_6172b.jpg

Pagdating naming doon, nagsisimula na ang paglalaro. Ang aking mga “mahiyaing” anak na akala mo ay mga anghel kapag wala kami sa bahay, ay nagmasid muna. Kanilang pinagmasdan kung paano maglakad na nakaapak lamang sa bao ng niyog at hahawak sa tali na hihilain para makatayo ng tuwid. Pagkatapos ng ilang mahahabang sandali, sila ay sumubok ding gamitin ang mga bao sa kanilang paglalakad.

img_6144b.jpg

Ito si Julian. Siya ay desidido ng pag-ibayuhin ang kanyang paglalakad gamit ang bao ng niyog. Mahirap mang balansehin ang sarili pero ito ay kanyang nagawa.

img_6147b.jpg

Ito naman ay si Tania na ne-engganyo sa paglalakad sa bao sa kadahilanang nagawa ito ng kanyang nakatatandang kapatid. Subalit sa kanyang paglalakad, siya ay mahigpit na nakakapit sa kamay ng kanyang ama na nakaalalay sa kanya.

img_6156b.jpg

Ito si Julian na nakapila para hintayin ang pagtawag sa kanyang numero para agawin ang panyo mula sa isang guro. Ang larong ito ay tinatawag na “Agawan ng Panyo.” Pasensiya na po sa mga magulang ng mga batang nilabuan ko ang mga mukha, ako ay walang permiso mula sa inyo na ilathala ko ang inyong mga anak sa intarnets kaya ganito ang aking naging pasya.

Marami pang mga laro ang ginawa kagaya ng pabitin kung saan mag-aagawan ng mga laruang nakasabit ang mga bata. Meron ding sungka at larong gamit ang mga lastiko. Hindi nawala ang “basagin ang Palayok” na may mga lamang kendi.

Ang pananghalian ay salo-salong pagkain na dinala ng mga gurong-magulang. Bagamat kami ay hindi na kumuha sa hapag-kainan dahil kami ay may dala ding baon, kitang-kita namin sa aming kinauupuan ang saya ng mga bisita para sa pagdiriwang na ito.

Pagkatapos ng lahat ng ito, ang mga bata ay nagtungo sa Butterfly House of Bahay ng mga Paru-paro. Si Jjulian ay hindi na pumasok, siya ay pagod na at nagyayayang umuwi na. Si tania ay pumasok at kaming dalawa ang namangha sa ganda ng mga paru-paro. Marami akong larawan ng mga paru-paro ng magaganda ngunit sa hindi ko alam na dahilan, marahil dahil puno na ang aking dalang kamera, ang mga ito ay nag-“error”. Dalawa lamang ang natira at ito ang isa:

img_6201b.jpg

8 Responses
  1. teacherjulie.com » Buwan ng Wika :

    Date: August 27, 2007 @ 8:37 am

    […] and post can be read here. Or […]

  2. Ami :

    Date: August 27, 2007 @ 5:52 pm

    pwede ba i-enlist kahit sino sa homeschooling ng Catholic Filipino Academy?

    Enrollees are up to grade six only. You can visit their website, http://catholicfilipinoacademy.com. Also I am not sure if they still accept late enrollees since we are already in the second quarter. Thanks for visiting. My apology for the late reply.

  3. Rowena :

    Date: August 30, 2007 @ 9:12 am

    Kumusta Julie, nagagalak akong nakasama ka at ang iyong pamilya sa pagtitipon na ito. Masaya rin sila Pio at Bea pero naiinip na kaya paglabas sa Butterfly Farm, nagyaya na silang umuwi.

  4. Jay :

    Date: September 9, 2007 @ 1:54 am

    alam kong medyo off-topic, pero paano po laruin ang Agawan ng Panyo? mayroon po ba kayong link na maibibigay sa akin? or kahit basic rules man lamang? :)…

    I emailed you the details. Thanks.

  5. teacherjulie.com » PinoyMomsNetwork Fam Pics: At Play :

    Date: January 8, 2008 @ 8:22 am

    […] (home school provider) Buwan ng Wika celebration at the Quezon City Memorial Circle. Please click here to see some photos from the said […]

  6. teacherjulie.com » Homeschool Learning :

    Date: March 3, 2008 @ 10:11 pm

    […] learning to walk using coconut shells (?) and strings during the Buwan ng Wika celebration of Julian’s home school […]

  7. Ma. Theresa Rosales :

    Date: April 17, 2010 @ 3:14 pm

    I am an OFW working here in Abu Dhabi. My son is coming this first week of May here with me. I wanted to enroll him in your homeschooling (Catholic Filipino Academy) but I can’t seem to enter your website. He is 4 years old will become 5 years old this August 15. He just finished his preschool/nursery at Jesus Marie International School. Since he will be here with me I decided to enroll him in your homeschooling because I am thinking he is too young to attend a regular school here with different nationalities but there are also Filipinos. Most of all at his age he can’t still speak normally. He can pronounce Mama,Papa and ate but can’t speak straight sentences. He has a problem with speech but he is a normal child. I would really appreciate if you could guide me. Thank you very much.

  8. admin :

    Date: July 5, 2010 @ 6:28 pm

    Theresa, pardon my late reply, blog has been on a hiatus for the longest time. If you child has expressive language problems, I think all the more you should enrol him in a school so that he gets to socialize with other children his age and learn to communicate with them. Just in case, you might be interested to read about language development in my teacher blog.

    I wish you well.