Sibika : Pangangailangan ng Mag-anak
November 25, 2007 11:12 am Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The SonAng pangunahing pangangailangan ng mag-anak ay tirahan, pagkain, at kasuotan.
Ang bilang ng kasapi ng mag-anak ay nakakaapekto sa laki ng pangangailangan sa buhay.
Dapat pagyamanin at pangalagaan ang mga likas na yaman.
Tahanan, Paaralan at Barangay
Ang tahanan, paaralan at barangay ay tumutulong upang matugunaan ang pangangailangan ng mag-anak.
Ang mga mag-anak ay dapat makipagtulungan upang magkaroon ng malinis, maayos at mapayapang pamayanan.