Karapatan ng Batang Pilipino
January 12, 2008 7:29 pm Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The SonKarapatan ng Batang Pilipino (Rights of the Filipino Child)
Bawat batang Pilipino ay may mga karapatan na dapat pahalagahan, pagyamanin at pag-ingatan.
1. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan. Right to be born and be given a name.
2.Karapatan maging malakas at malusog. Right to be strong and healthy.
3. Karapatan mong mabigyan ng maayos na tahanan. Right to an abode.
4.Karapatang tumira sa isang malinis, maayos at ligtas na kapaligiran. Right to live in a clean, peaceful, and safe environment.
5.Karapatang makapag-aral. Right to education.
6.Karapatang maglibang. Right to play.
7.Karapatang malinang ang angking talino. Right to enhance talents and interests.
8.Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga. Right to have a caring family.
9.Karapatang matuto nang mabuting ugali at magandang-asal. Right to learn proper and good behavior.
10. Karapatang ipagtanggol at matulungan ng pamahalaan. Right to be supported by the government.
Igalang ang karapatan ng iba.