January 26, 2008
Filipino, The Son
Comments Off on Salitang Pamanahon
Mabuting asal at kabutihan,karapatan mong matutunan.
Ngalan ng Araw at Buwan ay Salitang Pamanahon
May pitong araw sa isang Linggo. Sinisimulan ito sa malalaking titik:
Linggo
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Mayroon naman labindalawang buwan ang isang taon. Sinisimulan din ang mga ito sa malaking titik.
Enero
Pebrero
Marso
Abril
Mayo
Hunyo
Hulyo
Agosto
Setyembre
Oktubre
Nobyembre
Disyembre
January 19, 2008
Filipino, The Son
Comments Off on Salitang Pamanahon
Kalusugan ng iyong katawan, tunay mong karapatan.
Salitang pamanahon
Ang mga salitag nagsasabi ng panahon kung kalian naganap o ginawa ang kilos o pangyayari ay tinatawag na salitang pamanahon.Sumasagot ang mga ito sa tanong na kailan?
Halimbawa:
Araw-araw
kanina
Bukas
January 12, 2008
Filipino, The Son
1 Comment
Makapag-aral at matuto,karapatan mong totoo.
Salitang Panlunan
May mga salitang nagsasabi ng lugar o pook kung saan naganap o ginawa ang kilos. Salitang panlunan ang tawag sa mga ito. Sumasagot ang mga ito sa tanong na saan?
Halimbawa:
Sa paaralan
Sa Maynila
Sa bundok
November 19, 2007
Filipino, The Son
Comments Off on Filipino : Pandiwang Pangnagdaan
Talasalitaan:
Magkasingkahulugan:
anak at supling
Asawa at maybahay
Nais at gusto
Sweldo at kita
Magkasalungat:
malungkot at masaya
Maliit at malaki
Magkatabi at magkalayo
Salitang Kilos na Naganap Na (Pangnagdaan)
May mga salitang kilos o pandiwang naganap na o tapos nang gawin. Pangnagdaan o naganap ang panahunan ng mga salitang kilos na ginawa na o tapos na.
Mga salitang nakakatulong sa pagkilala sa mga salitang ito:
Kagabi, kanina, kahapon, noong isang Linggo
November 12, 2007
Filipino, The Son
Comments Off on Filipino : Pandiwa
Talasalitaan:
Halimbawa ng mga salitang may lapi at walang lapi:
Nagbabasa – basa
Nagtutulung-tulong – tulong
Maglinis – linis
Ang salitang nagpapakita ng kilos o galaw ay tinatawag na salitang kilos.
Pandiwa (verb or action word) ang isa pang tawag sa salitang kilos.
Halimbawa:
Umawit
Nagtutulong
Kinain
September 12, 2007
Filipino, The Son
Comments Off on Pangngalang Tiyak at Di-Tiyak
Notes #2
Pangngalang Tiyak at Di-Tiyak
- Tiyak ang pangngalang tao, hayop, bagay at pook na nagsisimula sa malaking titik.
hal: Julian, Iba, Sustagen
- Di-tiyak ang pangngalang tao, hayop, bagay at pook na nagsisimula sa maliit na titik.
hal: bata, bayan, gatas