Pilipinas
July 15, 2007 Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son 1 CommentPilipinas ang bansa ng mga Pilipino.
- Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Ito ay may 7, 100 pulo/isla.
- Ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong malalaking pulo: Luzon, Visayas at Mindanao.
- Ang Pilipinas ay bahagi ng mundo. Ito ay naliligiran ng mga tubigan, tulad ng Dagat Tsina (South China Sea), Karagatang Pacifico (Pacific Ocean), Dagat Celebes (Celebes Sea) at Dagat Sulu (Sulu Sea).
- Ang mga bansang malapit sa Pilipinas ay Malaysia, Indonesia, Taiwan at Vietnam.