February 4, 2011
From the Teacher, Grade 4, Homeschoolers No More
No Comments
CEBU
Cebu City ang pinakamatandang siyudad sa Pilipinas. Narito ang imahe ng Santo Nino de Cebu (Holy Child Jesus of Cebu) na ibinigay kay Raha Humabon mula sa reyna ng Epsana bilang relago. Ito ang pinakamatandang imahe sa Pilipinas at ito ay matatagpuan sa Basilica de Santo Nino. Ang mga Kastila, sa pangunguna ni Ferdinand Magellan ay sumakop sa Cebu.
Kabisera: Cebu City
Populasyon: 3, 850,989 (2007)
Sukat ng Lupa: 5,088.4 sq km
Topograpiya: mayroong mga burol, bundok at kapatagan. Napaliligiran din ito ng mga baybaying-dagat
Mga Lungsod:
February 1, 2011
From the Teacher
No Comments
BOHOL
Sa Bohol unang nagkaroon ng international treaty para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ni Haring Sikatuna at Miguel Lopez de Lagazpi noong Marso 16, 1565 sa pamamagitan ng Sandugo.
Kabisera: Tagbilaran City
Populasyon: 1, 230, 110 (2007)
Sukat ng Lupa: 4117.3 sq km
Topograpiya: Ang Bohol ay isang lalawigang talampas. Mabundok sa dakong gitna at hilaga. Matatagpuan sa mga bayan ng Carmen, Sagbayan, at Batuan ang tanyag ng Chocolate Hills, mga burol na tila tumpok ng mga tsokolate tuwing tag-araw.
Mayroong tabing-dagat na may habang 261 kilometro. Ang Bohol ay pang-sampu sa pinakamalaking isla sa Pilipinas.
Mga Lungsod: Tagbilaran City
Lengguahe: Boholano (Cebuano) at Filipino
Mga Tanyag na Tao:
- Dagohoy, nakipaglaban sa mga Kastila na itinuturing pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Dagohoy Rebellion
- Tamblot – isang babaylan na lumaban sa mga Kastila sa tinawag na Tamblot Uprising
- Carlos P. Garcia ang dating presidente ng Pilipinas
- Yoyoy Villame – isang sikat na kompositor at mang-aawit
- Nonito Donaire Jr. – isang tanyag na boksingero
- Cesar Montano – isang sikat na artista at pintor Read the rest…
January 8, 2011
Grade 4, Homeschoolers No More, Philippines, Sibika/Makabayan, The Son
No Comments
Land Area: 14663.21 sq km
Population: 6,398,628 (2007) ika-lima sa pinakamaraming tao sa 17 na rehiyon sa Pilipinas
Mga Lalawigan:
- Bohol
- Cebu
- Negros Oriental
- Siquijor
Topograpiya: mabundok at maburol ngunit may bahaging lambak at kapatagan. Napaliligiran ng tubig-dagat.
Klima: May ulan kapag mga buwan ng tag-ulan. May ilang lugar na hindi malinaw ang panahon ng tag-ulan ngunit maiksi ang tag-init. May mga bahaging pantay ang distribusyon ng ulan sa buong taon.
Mga Produkto:
- Mga pananim: mais, palay, gulay, niyog at asukal
- Produktong galing sa pangingisda at pag-aalaga ng hayop
- Yamang-kabundukan: ginto, pilak, karbon, tanso, at batong lupa na ginagawang semento, limestone at uling.
Mga Mamamayan:
- Bohol – Boholan; Bol – anon
- Cebu – Cebuano
- Negros Oriental – Negrense