Central Visayas: Cebu

From the Teacher, Grade 4, Homeschoolers No More No Comments

CEBU

Cebu City ang pinakamatandang siyudad sa Pilipinas. Narito ang imahe ng Santo Nino de Cebu (Holy Child Jesus of Cebu) na ibinigay kay Raha Humabon mula sa reyna ng Epsana bilang relago. Ito ang pinakamatandang imahe sa Pilipinas at ito ay matatagpuan sa Basilica de Santo Nino. Ang mga Kastila, sa pangunguna ni Ferdinand Magellan ay sumakop sa Cebu.

Kabisera: Cebu City

Populasyon: 3, 850,989 (2007)

Sukat ng Lupa: 5,088.4  sq km

Topograpiya: mayroong mga burol, bundok at kapatagan. Napaliligiran din ito ng mga baybaying-dagat

Mga Lungsod:

Central Visayas

Grade 4, Homeschoolers No More, Philippines, Sibika/Makabayan, The Son No Comments


Land Area: 14663.21 sq km

Population: 6,398,628 (2007) ika-lima sa pinakamaraming tao sa 17 na rehiyon sa Pilipinas

Mga Lalawigan:

  • Bohol
  • Cebu
  • Negros Oriental
  • Siquijor

Topograpiya: mabundok at maburol ngunit may bahaging lambak at kapatagan. Napaliligiran ng tubig-dagat.

Klima: May ulan kapag mga buwan ng tag-ulan. May ilang lugar na hindi malinaw ang panahon ng tag-ulan ngunit maiksi ang tag-init. May mga bahaging pantay ang distribusyon ng ulan sa buong taon.

Mga Produkto:

  • Mga pananim: mais, palay, gulay, niyog at asukal
  • Produktong galing sa pangingisda at pag-aalaga ng hayop
  • Yamang-kabundukan: ginto, pilak, karbon, tanso, at batong lupa na ginagawang semento, limestone at uling.

Mga Mamamayan:

  • Bohol – Boholan; Bol – anon
  • Cebu – Cebuano
  • Negros Oriental – Negrense

Mapa

Grade 2 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off

Bayan Mo, Alamin Mo

Ang mapa ay isang patag na larawan ng isang lugar o bansa.

Ang mapa ay may north arrow na laging nakaturo sa Hilaga upang malaman ang iba pang pangunahing direksyon.

Ang apat na pangunahing direksyon: hilaga, kanluran, timog at silangan. Sa pagitan ng mga ito ay may pangalawang direksyon: Hilagang Silangan, Hilagang Kanluran, Timog Silangan at Timog Kanluran.

Natural Resources – Mga Likas na Yaman

Grade 1 Lessons, Images, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off

click on the image to see a bigger photo

The Philippines is rich in natural resources. There are abundant land resources.

  • trees
  • dairy products
  • farms produce like fruits and vegetables
  • medicinal plants
  • animals
  • mining products

Ang Pilipinas ay mayaman sa Yamang-lupa. Iba’t-ibang mga halaman, punungkahoy ang tumutubo sa mga kapatagan at kabundukan.

  • Maraming mg gulay at prutas.
  • Galing sa halaman ang mga tinatahing tela. Mula sa abaka, nagkakaroon ng bag, tsinelas, sumbrero at lubid.
  • Marami ding mga halamang gamot.
  • Ang mga kagubatan at kabundukan ay may mga troso na pinanggagalingan ng kahoy para gawing kagamitan.
  • Sa mga sakahan ay may iba’t-ibang mga hayop.
  • Ang mga minahan ay may iba’t-ibang mga mamahaling uri ng bato.

Sibika : Anyong Lupa

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off
  • Ang Pilipinas ay nagtataglay ng iba’t-ibang anyong lupa. Mayroong bundok (mountain), bulubundukin (mountain ranges), bulkan (volcano), talampas (plateau), burol (hill), lambak (valley), pulo (island) at kapatagan (plains).
  • Pasalamatan ang ating Panginoon sa mga lupain ibinigay Niya.
  • Dapat pagyamanin at gamitin nang wasto ang mga yamang lupaing ito.

Pilipinas

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off
  1. Luzon ang pinakamalaking pulo ng Pilipinas
  2. Visayas ang mga pulo sa gitnang kanan ng Pilipinas.
  3. Mindanao ang pulo sa ibaba ng Pilipinas.
  4. Ang globo ay bilog na modelo ng mundo.
  5. Ang mapa ay patag na modelo ng mundo.
  6. Ang Pilipinas ay isang kapuluan o archipelago.
  7. May mahigit 7,100 pulo ang Pilipinas.
  8. Ang mga katawang tubig ng nakapaligid sa Pilipinas ay ang mga: Dagat Tsina, Karagatang Pasipiko, Dagat Celebes at D