Sibika : Relihiyon sa Pilipinas

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Sibika : Relihiyon sa Pilipinas

Ang mag-anak na Pilipino ay may pananampalataya sa Panginoon.

Iba-iba ang relihiyon sa Pilipinas:

  • Katoliko
  • Protestante
  • Iglesia ng Kristo
  • Muslim
  • At marami pang ibang maliliit na kongragasyon

Igalang ang relihiyon ng iba.

Sibika : Populasyon at Bansa

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Sibika : Populasyon at Bansa

Epekto ng Populasyon


Ang POPULASYON ay ang bilang ng mga mamamayan na nakatira sa isang pook o lugar. Malaki ang populasyon ng Pilipinas.

Ang malaking populasyon ay nakakaapekto nang malaki sa ekonomiya ng bansa.

  • Kulang ang pagkain
  • Maraming walang hanapbuhay
  • Maraming iskawater
  • Maraming hindi nakakapag-aral
  • Nagkukulang ang tubig
  • Hindi sapat ang enerhiya
  • Masikip ang trapiko
  • Malaki ang kakulangan sa mga iba’t-ibang pangangailangan


Tumulong upang matugunan ang pangangailangan ng malaking populasyon ng ating bansa.

Sibika : Community Helpers

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Sibika : Community Helpers


Ang mga tumutulong sa bayan ay tumutugon sa mga pangangailangan natin.

Mga Halimbawa:

Pangkabuhayan: magsasaka, mangingisda, kargador, tindera

Pangkalusugan: doctor, nars, dentista

Pangkaligtasan: bumbero, pulis, sundalo, baragnay tanod

Pang-edukasyon: guro, punung-guro

Pangkasuotan at Pangkaayusan: mananahi, maghahabi, sapatero, barbero

Pangkalinisan: kaminero, basurero, hardinero

Paggawa ng bahay at gusali: inhinyero. Arkitekto, karpintero, mason, tubero

Pananampalataya: pari, pastor, imam, madre, katekista


Makipagtulungan tayo sa mga tumutulong sa bayan.

Igalang natin sila.

Sibika : Pangangailangan ng Mag-anak

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Sibika : Pangangailangan ng Mag-anak

Ang pangunahing pangangailangan ng mag-anak ay tirahan, pagkain, at kasuotan.

Ang bilang ng kasapi ng mag-anak ay nakakaapekto sa laki ng pangangailangan sa buhay.

Dapat pagyamanin at pangalagaan ang mga likas na yaman.

Tahanan, Paaralan at Barangay

Ang tahanan, paaralan at barangay ay tumutulong upang matugunaan ang pangangailangan ng mag-anak.

Ang mga mag-anak ay dapat makipagtulungan upang magkaroon ng malinis, maayos at mapayapang pamayanan.

Sibika : Pamayanan at Populasyon

The Son No Comments

Pamayanan at Populasyon

Ang Pilipinas ay binubuo ng mga pamayanan at barangay.

Ang mga mag-anak ang bumubuo sa mga pamayanan.

Ang laki ng mga mag-anak ay may kinalaman sa laki ng populasyon sa pamayanan.

Maliit ang populasyon, kapag maliit ang bilang ng mga kasapi ng mga mag-anak.

Malaki ang populasyon, kapag malaki ang bilang ng mga kasapi ng mga kamag-anak.

Sibika : Mag-anak (Family)

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son 2 Comments

Mag-Anak

Ang mag-anak ay binubo ng tatay (father), nanay (mother) at mga anak (children)

Bawat kasapi ng mag-anak ay mahalaga.

Ang mga mag-anak ay nagkakaiba sa bilang ng kasapi, pisikal na anyo, at uri ng pamumuhay.

Ang lolo, lola, tiyo, tiya at pinsan ay kapamilya ng mag-anak na Pilipino.

Sibika : Anyong Lupa

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Sibika : Anyong Lupa
  • Ang Pilipinas ay nagtataglay ng iba’t-ibang anyong lupa. Mayroong bundok (mountain), bulubundukin (mountain ranges), bulkan (volcano), talampas (plateau), burol (hill), lambak (valley), pulo (island) at kapatagan (plains).
  • Pasalamatan ang ating Panginoon sa mga lupain ibinigay Niya.
  • Dapat pagyamanin at gamitin nang wasto ang mga yamang lupaing ito.

« Previous Entries