September 14, 2007
Grade 1 Lessons, Images, Sibika/Makabayan, The Son
Comments Off on Natural Resources – Mga Likas na Yaman
click on the image to see a bigger photo
The Philippines is rich in natural resources. There are abundant land resources.
- trees
- dairy products
- farms produce like fruits and vegetables
- medicinal plants
- animals
- mining products
Ang Pilipinas ay mayaman sa Yamang-lupa. Iba’t-ibang mga halaman, punungkahoy ang tumutubo sa mga kapatagan at kabundukan.
- Maraming mg gulay at prutas.
- Galing sa halaman ang mga tinatahing tela. Mula sa abaka, nagkakaroon ng bag, tsinelas, sumbrero at lubid.
- Marami ding mga halamang gamot.
- Ang mga kagubatan at kabundukan ay may mga troso na pinanggagalingan ng kahoy para gawing kagamitan.
- Sa mga sakahan ay may iba’t-ibang mga hayop.
- Ang mga minahan ay may iba’t-ibang mga mamahaling uri ng bato.
September 7, 2007
Grade 1 Lessons, Images, Sibika/Makabayan, The Son
1 Comment
The Philippines is surrounded by water like the Pacific Ocean, South China Sea, Celebes Sea and Sulu Sea.
There are many different kinds of bodies of water:
- Ocean
- Sea
- river
- lake
- stream
- waterfalls
- stream
- beach
- bay
- spring
Ang mga anyong tubig (at ilang halimbawa) na matatagpuan sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:
- Karagatan – Karagatng Pacifico
- Dagat – Dagat Tsina o Dagat Celebes
- Ilog – Ilog Agno at Ilog Pampanga
- Lawa – Lawa ng Laguna, Caliraya Lake
- Sapa – mas maliit sa ilog
- Talon -Talon ng Maria Cristina at Talon ng Pagsanjan
- batis
- dalampasigan o baybayin – Boracay, Bohol, Zambales
- look – Look ng Manila Bay
- bukal – mainit na tubig mula sa bukal sa Laguna
August 27, 2007
Enrichment, Images, The Son, Younger Daughter
8 Comments
Catholic Filipino Academy, kung saan nakalista ang aking anak na si Julian para sa kanyang homeschooling ay nagdaos ng pagtitipon para ipagdiwang ang Buwan ng Wika noong ika-24 ng Agosto, taong 2007. Ito ay ginanap sa Quezon City Memorial Circle sa Lungsod ng Quezon. Si Manuel L. Quezon ang pangulo ng Pilipinas ang itinuturing Ama ng Wikang Pambansa. Kaya nararapat lamang na sa lugar kung saan nakalagak ang kanyang mga labi ipagdiwang ang kanyang naiwang “advocacy” na pagpapalaganap ng wikang pambansa na isa sa mga magbubuklod sa mga Pilipino. Bagama’t ito ay napakalapit lamang sa amin, kami ay nahuli ng pagdating ng mga halos tatlong oras dahil ang inang-guro ay nagturo muna sa kanyang mga estudyante.
Pagdating naming doon, nagsisimula na ang paglalaro. Ang aking mga “mahiyaing” anak na akala mo ay mga anghel kapag wala kami sa bahay, ay nagmasid muna. Kanilang pinagmasdan kung paano maglakad na nakaapak lamang sa bao ng niyog at hahawak sa tali na hihilain para makatayo ng tuwid. Pagkatapos ng ilang mahahabang sandali, sila ay sumubok ding gamitin ang mga bao sa kanilang paglalakad.
Ito si Julian. Siya ay desidido ng pag-ibayuhin ang kanyang paglalakad gamit ang bao ng niyog. Mahirap mang balansehin ang sarili pero ito ay kanyang nagawa.
Ito naman ay si Tania na ne-engganyo sa paglalakad sa bao sa kadahilanang nagawa ito ng kanyang nakatatandang kapatid. Subalit sa kanyang paglalakad, siya ay mahigpit na nakakapit sa kamay ng kanyang ama na nakaalalay sa kanya.
Ito si Julian na nakapila para hintayin ang pagtawag sa kanyang numero para agawin ang panyo mula sa isang guro. Ang larong ito ay tinatawag na “Agawan ng Panyo.” Pasensiya na po sa mga magulang ng mga batang nilabuan ko ang mga mukha, ako ay walang permiso mula sa inyo na ilathala ko ang inyong mga anak sa intarnets kaya ganito ang aking naging pasya.
Marami pang mga laro ang ginawa kagaya ng pabitin kung saan mag-aagawan ng mga laruang nakasabit ang mga bata. Meron ding sungka at larong gamit ang mga lastiko. Hindi nawala ang “basagin ang Palayok” na may mga lamang kendi.
Ang pananghalian ay salo-salong pagkain na dinala ng mga gurong-magulang. Bagamat kami ay hindi na kumuha sa hapag-kainan dahil kami ay may dala ding baon, kitang-kita namin sa aming kinauupuan ang saya ng mga bisita para sa pagdiriwang na ito.
Pagkatapos ng lahat ng ito, ang mga bata ay nagtungo sa Butterfly House of Bahay ng mga Paru-paro. Si Jjulian ay hindi na pumasok, siya ay pagod na at nagyayayang umuwi na. Si tania ay pumasok at kaming dalawa ang namangha sa ganda ng mga paru-paro. Marami akong larawan ng mga paru-paro ng magaganda ngunit sa hindi ko alam na dahilan, marahil dahil puno na ang aking dalang kamera, ang mga ito ay nag-“error”. Dalawa lamang ang natira at ito ang isa:
July 5, 2007
Images, The Son
Comments Off on First Quarter Lessons 1
All the posts below this entry were notes that Julian wrote in the seven notebooks that we got for him. Being not able to attend the twice or maybe thrice scheduled orientation for parents, I do not know if the children were supposed to write notes in notebooks. I just wanted him to have notes for him to practice his fine-motor skills which are developmentally low, in terms of his developmental level. Click here to read about this concern.
About the daily lesson plans, we do not really follow these. Why? He was able to do a week’s worth of lesson in one sitting. No, I’m not kidding. First day we had our lessons was Friday, June 29, when we got the books. We were able to finish Christian Living and Math after lunch. We started doing Filipino but he got frustrated when he couldn’t understand the words written there, 😀
When we got the notebooks last week, we were looking at different cartoon character designs that he loves. We got Barney, Dora the Explorer and several other characters.
But guess what? We did not get those. We got these instead. Yes, designs about animal species that are in danger of being extinct. I did not choose these, he did.