Sugnay at Parirala

Filipino, Grade 4, Grade 5 Lessons, Philippines, The Son No Comments

Ang sugnay ay lipon ng mga salitang may simuno at panaguri ngunit bahagi lamang ng pangungusap.

May dalawang  uri ng sugnay:

  • Ang sugnay na makapag-iisa ay bahagi ng pangnungusap na may buong diwa kahit ihiwalay sa pangungusap.
  • Ang sugnay na di-makapag-iisa naman ay hindi nagbibigay ng pinangungunahan ng pangatnig gaya ng ngunit, samantalang, kung, para, habang.

Halimbawa:

  • Sugnay na makapag-iisa
  1. Ang kalinisan sa kapaligiran ay dapat na panatilihin

 

  • Sugnay na di-makapag-iisa
  1. nang maging malusog ang bayan natin.

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Ang parirala ay lipon ng mga salitang walang simuno at panaguri. Wala itong buong diwa.

Halimbawa:

  • ang hangin
  • ang mga pulis
  • mahirap gawin

Grade 2 Filipino Reviewer: Pangungusap o Parirala

Enrichment, Filipino, From the Teacher, Grade 2 Lessons, Homeschoolers No More, Philippines, Reviewers, Younger Daughter No Comments

Isulat ang PN kung pangungusap o PR kung parirala:

  1. Nais kong mamasyal sa tabing-ilog.
  2. Regalo ng aking Ina
  3. Napakagandang bulaklak
  4. Tulungan nating alagaan

complete reviewer to be updated soon…

Grade 2 Filipino: Parirala

Filipino, From the Teacher, Grade 2 Lessons, Homeschoolers No More, Philippines, Younger Daughter No Comments

Parirala – grupo ng mga salita na walang buong diwa. Maari itong magsimula sa malaki o maliit na titik at walang bantas sa hulihan.

Halimbawa:

  1. Naglalaro
  2. Nasa labas ng bahay
  3. nakinig
  4. malaki