June 11, 2008
Filipino, Preparatory Lessons, Younger Daughter
Comments Off on Sino Ako?
Filipino Prep
Sino ako?
- Ang pangalan ko ay _______________
- Ako ay _______________ taon na.
- Ang aking kaarawan ay _________________.
- Nag-aaral ako sa _________________.
- Si ________________ ang guro ko.
- Ako ay magalang.
Ang Puno ng Buhay (The Family Tree)
- An gaming mag-anak ay binubuo nina: Tatay, Nanay, Ate, Kuya at bunso.
- May kanya-kanya kaming Gawain sa aming tahanan.
February 29, 2008
Filipino, Grade 1 Lessons, The Son
Comments Off on Ayos ng Pangungusap
Kaligtasan ng pamayanan tungkulin ng mamamayan.
Ayos ng Pangungusap
Karaniwan ang ayos ng pangungusap kung walang salitang ay.
Halimbawa:
- Naglalaro ang magkakaibigan.
- Hindi kumuha ng posporo si Eric.
Â
Kabalikan ang ayos ng pangungusap kung may salitang ay.
Halimbawa:
- Ang magkakaibigan ay naglalaro.
- Si Eric ay hindi kumuha ng posporo.
February 23, 2008
Filipino, The Son
Comments Off on Pangungusap na Padamdam
Ang pangungusap na padmdam ay nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng pagkatuwa, pagkatakot, pagkagulat, pagkagalit at iba pa. Ito ay natatapos sa tandang padamdam (!).
Halimbawa:
- Wow! Ang ganda ng laruan.
- Sus, natalo na naman tayo!
February 23, 2008
Filipino, The Son
1 Comment
Pagtulong sa pamayanan tungkuling dapat gampanan.
Pangungusap na Pautos o Pakiusap
Ang pangungusap ay maaari ring pautos at padamdam.
Ang pangungusap nap autos ay nag-uutos o nakikiusap. Gumagamit ito ng salitang paki ang pakiusap. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
Â
Halimbawa ng Pautos:
- Pumasok ka na ng maaga.
- Huwag ka muna umalis.
Â
Halimbawa ng Pakiusap:
- Pakihulog nga ang sulat na ito.
- Pakilipat ang mga gamit.
February 16, 2008
Filipino, The Son
Comments Off on Pangungusap na Pasalaysay
Ang pangungusap na nagsasabi o nagkukwento ay tinatawag na pasalaysay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa:
- Mahusay umawit si Karen.
- Sumikat na ang araw.
February 16, 2008
Filipino, The Son
Comments Off on Pangungusap na Patanong
Mga tuntunin ay sundin ng bukal sa damdamin.
Pangungusap na Patanong
Ang pangungusap ay maaaring nagtatanong.
Ang pangungusap na nagtatanong ay tinatawag na patanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Halimbawa:
- Sasama ba si Tina?
- Masakit ba ang ulo mo?
February 9, 2008
Filipino, The Son
Comments Off on Pangungusap
Tungkulin ng mag-aaral pumasok sa paaralan araw-araw.
Pangungusap o Di-pangungusap
Ang pangungusap ay salita o lion ng mga salitang may buong diwa. Nagsisimula ito sa malalaking titik at nagtatapos sa isang bantas.
Halimbawa:
Pangungusap:
- Nag-aaral mabuti si Arnel.
- Ang mag-aaral ay pumapasok araw-araw.
Di-pangungusap:
- ang inahin
- sa parke