August 30, 2010
Enrichment, Filipino, From the Teacher, Grade 2 Lessons, Homeschoolers No More, Philippines, Reviewers, Younger Daughter
No Comments
Isulat ang PN kung pangungusap o PR kung parirala:
- Nais kong mamasyal sa tabing-ilog.
- Regalo ng aking Ina
- Napakagandang bulaklak
- Tulungan nating alagaan
complete reviewer to be updated soon…
August 30, 2010
Filipino, From the Teacher, Grade 2 Lessons, Homeschoolers No More, Philippines, Younger Daughter
No Comments
Pangungusap – salita o grupo ng mga salita na nagsasabi ng buong diwa. Nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas.
Halimbawa:
- Naglalaro ang mga bata sa parke.
- Nasa labas ng bahay ang aming alagang aso.
- Nakinig ako kanina sa sermon ng pari sa simbahan.
- Ang bahay nila Ana ay malaki.
February 23, 2008
Filipino, The Son
Comments Off on Pangungusap na Padamdam
Ang pangungusap na padmdam ay nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng pagkatuwa, pagkatakot, pagkagulat, pagkagalit at iba pa. Ito ay natatapos sa tandang padamdam (!).
Halimbawa:
- Wow! Ang ganda ng laruan.
- Sus, natalo na naman tayo!
February 23, 2008
Filipino, The Son
1 Comment
Pagtulong sa pamayanan tungkuling dapat gampanan.
Pangungusap na Pautos o Pakiusap
Ang pangungusap ay maaari ring pautos at padamdam.
Ang pangungusap nap autos ay nag-uutos o nakikiusap. Gumagamit ito ng salitang paki ang pakiusap. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
Â
Halimbawa ng Pautos:
- Pumasok ka na ng maaga.
- Huwag ka muna umalis.
Â
Halimbawa ng Pakiusap:
- Pakihulog nga ang sulat na ito.
- Pakilipat ang mga gamit.
February 16, 2008
Filipino, The Son
Comments Off on Pangungusap na Pasalaysay
Ang pangungusap na nagsasabi o nagkukwento ay tinatawag na pasalaysay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa:
- Mahusay umawit si Karen.
- Sumikat na ang araw.
February 9, 2008
Filipino, The Son
Comments Off on Pangungusap
Tungkulin ng mag-aaral pumasok sa paaralan araw-araw.
Pangungusap o Di-pangungusap
Ang pangungusap ay salita o lion ng mga salitang may buong diwa. Nagsisimula ito sa malalaking titik at nagtatapos sa isang bantas.
Halimbawa:
Pangungusap:
- Nag-aaral mabuti si Arnel.
- Ang mag-aaral ay pumapasok araw-araw.
Di-pangungusap:
- ang inahin
- sa parke