Pilipinas, Malayang Bansa

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Pilipinas, Malayang Bansa

Ang Pilipinas ay isang malayang bansa.

Ang bansang Pilipinas ay may sariling pamahalaan.

Ang pamahalaan ay tumutugon sa mga karapatan ng mga mamamayan.

Ang pamahalaan at mamamayan ay nagtutulungan para sa kaunlaran ng bansa.

Mga Pamayanan sa Pilipinas

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Mga Pamayanan sa Pilipinas

Pilipinas: Ang Bansa Natin

Mga iba’t-ibang uri ng Pamayanan sa Pilipinas:

1. pamayanang lungsod

2. pamayanang komersyal

3. pamayanang residensiyal

4. pamayanang sakahan

5. pamayanang pangisdaan

6. pamayanang bundok

Ang hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa bawat pamayanan ay naaayon sa kanilang kapaligiran.

Sibika : Populasyon at Bansa

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Sibika : Populasyon at Bansa

Epekto ng Populasyon


Ang POPULASYON ay ang bilang ng mga mamamayan na nakatira sa isang pook o lugar. Malaki ang populasyon ng Pilipinas.

Ang malaking populasyon ay nakakaapekto nang malaki sa ekonomiya ng bansa.

  • Kulang ang pagkain
  • Maraming walang hanapbuhay
  • Maraming iskawater
  • Maraming hindi nakakapag-aral
  • Nagkukulang ang tubig
  • Hindi sapat ang enerhiya
  • Masikip ang trapiko
  • Malaki ang kakulangan sa mga iba’t-ibang pangangailangan


Tumulong upang matugunan ang pangangailangan ng malaking populasyon ng ating bansa.

Pilipinas

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Pilipinas
  1. Luzon ang pinakamalaking pulo ng Pilipinas
  2. Visayas ang mga pulo sa gitnang kanan ng Pilipinas.
  3. Mindanao ang pulo sa ibaba ng Pilipinas.
  4. Ang globo ay bilog na modelo ng mundo.
  5. Ang mapa ay patag na modelo ng mundo.
  6. Ang Pilipinas ay isang kapuluan o archipelago.
  7. May mahigit 7,100 pulo ang Pilipinas.
  8. Ang mga katawang tubig ng nakapaligid sa Pilipinas ay ang mga: Dagat Tsina, Karagatang Pasipiko, Dagat Celebes at D

Pilipinas

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son 1 Comment

Pilipinas ang bansa ng mga Pilipino.

  1. Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Ito ay may 7, 100 pulo/isla.
  2. Ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong malalaking pulo: Luzon, Visayas at Mindanao.
  3. Ang Pilipinas ay bahagi ng mundo. Ito ay naliligiran ng mga tubigan, tulad ng Dagat Tsina (South China Sea), Karagatang Pacifico (Pacific Ocean), Dagat Celebes (Celebes Sea) at Dagat Sulu (Sulu Sea).
  4. Ang mga bansang malapit sa Pilipinas ay Malaysia, Indonesia, Taiwan at Vietnam.