Pilipinas, Malayang Bansa

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Pilipinas, Malayang Bansa

Ang Pilipinas ay isang malayang bansa.

Ang bansang Pilipinas ay may sariling pamahalaan.

Ang pamahalaan ay tumutugon sa mga karapatan ng mga mamamayan.

Ang pamahalaan at mamamayan ay nagtutulungan para sa kaunlaran ng bansa.

Tumutugon sa Karapatan ng mga Bata

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Tumutugon sa Karapatan ng mga Bata

Ang mga mag-anak, paaralan, at barangay ang mga pangunahing samahan na tumutugon sa mga karapatan ng mga bata.

May iba’t iba pang samahang nagkakaloob ng kanilang serbisyo upang pangalagaan at ipagtanggol ang ating karapatan.

Karapatan ng Batang Pilipino

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son No Comments

Karapatan ng Batang Pilipino (Rights of the Filipino Child)

Bawat batang Pilipino ay may mga karapatan na dapat pahalagahan, pagyamanin at pag-ingatan.

1. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan. Right to be born and be given a name.

2.Karapatan maging malakas at malusog. Right to be strong and healthy.

3. Karapatan mong mabigyan ng maayos na tahanan. Right to an abode.

4.Karapatang tumira sa isang malinis, maayos at ligtas na kapaligiran. Right to live in a clean, peaceful, and safe environment.

5.Karapatang makapag-aral. Right to education.

6.Karapatang maglibang. Right to play.

7.Karapatang malinang ang angking talino. Right to enhance talents and interests.

8.Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga. Right to have a caring family.

9.Karapatang matuto nang mabuting ugali at magandang-asal. Right to learn proper and good behavior.

10. Karapatang ipagtanggol at matulungan ng pamahalaan. Right to be supported by the government.

Igalang ang karapatan ng iba.

Sibika : Relihiyon sa Pilipinas

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Sibika : Relihiyon sa Pilipinas

Ang mag-anak na Pilipino ay may pananampalataya sa Panginoon.

Iba-iba ang relihiyon sa Pilipinas:

  • Katoliko
  • Protestante
  • Iglesia ng Kristo
  • Muslim
  • At marami pang ibang maliliit na kongragasyon

Igalang ang relihiyon ng iba.

Sibika : Populasyon at Bansa

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Sibika : Populasyon at Bansa

Epekto ng Populasyon


Ang POPULASYON ay ang bilang ng mga mamamayan na nakatira sa isang pook o lugar. Malaki ang populasyon ng Pilipinas.

Ang malaking populasyon ay nakakaapekto nang malaki sa ekonomiya ng bansa.

  • Kulang ang pagkain
  • Maraming walang hanapbuhay
  • Maraming iskawater
  • Maraming hindi nakakapag-aral
  • Nagkukulang ang tubig
  • Hindi sapat ang enerhiya
  • Masikip ang trapiko
  • Malaki ang kakulangan sa mga iba’t-ibang pangangailangan


Tumulong upang matugunan ang pangangailangan ng malaking populasyon ng ating bansa.

Sibika : Community Helpers

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Sibika : Community Helpers


Ang mga tumutulong sa bayan ay tumutugon sa mga pangangailangan natin.

Mga Halimbawa:

Pangkabuhayan: magsasaka, mangingisda, kargador, tindera

Pangkalusugan: doctor, nars, dentista

Pangkaligtasan: bumbero, pulis, sundalo, baragnay tanod

Pang-edukasyon: guro, punung-guro

Pangkasuotan at Pangkaayusan: mananahi, maghahabi, sapatero, barbero

Pangkalinisan: kaminero, basurero, hardinero

Paggawa ng bahay at gusali: inhinyero. Arkitekto, karpintero, mason, tubero

Pananampalataya: pari, pastor, imam, madre, katekista


Makipagtulungan tayo sa mga tumutulong sa bayan.

Igalang natin sila.

Sibika : Pangangailangan ng Mag-anak

Grade 1 Lessons, Sibika/Makabayan, The Son Comments Off on Sibika : Pangangailangan ng Mag-anak

Ang pangunahing pangangailangan ng mag-anak ay tirahan, pagkain, at kasuotan.

Ang bilang ng kasapi ng mag-anak ay nakakaapekto sa laki ng pangangailangan sa buhay.

Dapat pagyamanin at pangalagaan ang mga likas na yaman.

Tahanan, Paaralan at Barangay

Ang tahanan, paaralan at barangay ay tumutulong upang matugunaan ang pangangailangan ng mag-anak.

Ang mga mag-anak ay dapat makipagtulungan upang magkaroon ng malinis, maayos at mapayapang pamayanan.

« Previous Entries Next Entries »