Grade 2 Filipino: Kayarian ng mga Salita

Filipino, From the Teacher, Grade 2 Lessons, Philippines No Comments

Kayarian ng salita:

  1. PAYAK: binubuo ng mga pinagsamang mga pantig para makabuo ng salita       hal: buhay, takbo, ligo
  2. MAYLAPI: binubuo ng salitang-ugat at panlapi       hal:  nabubuhay, tumakbo, maliligo
  3. INUULIT: salitang inuulit ang bahagi para makabuo ng saing salita      hal: buhay na buhay, takbo ng takbo, paligo-ligo
  4. TAMBALAN: dalawang salita na pinagsama para makabuo ng isang salita   hal: hanapbuhay, bukang-liwayway

Agosto Bilang Buwan ng Wikang Pambansa

Enrichment, Filipino, From the Teacher, Philippines No Comments

Ang Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa bilang paggunita kay Manuel L. Quezon na Ama ng Wikang Pambansa.

Bilang selebrasyon sa Agosto sa Buwan ng Wikang Pambansa, ang mga sumusunod ay mga tema para sa mga paaralan ngayong taong 2010:

Agosto 1-7: Wika’y Kailangan sa Pandaigdigang Impormasyonsa Pangangalaga sa Kalikasan

Agosto 8-14: Wika’y Instrumento sa Pagpapalaganap sa Kamalayan sa Pagbabago ng Kalikasan

Agosto 15-21: Wika’y Mabisang Susi sa Edukasyong Pangkalikasan

Agosto 22-28: Ang Pagpapahalaga sa Wika at Pangangalaga sa Kalikasan ay Pagmamahal sa Inang Bayan

Agosto 29-31: Wika’t Kalikasan Mahalin at Pangangalagaan, Biyaya ng Poong Maykapal sa Bayan

Smart Communications, Inc “Ano ang Kwento Mo” Contest

Enrichment, Filipino, From the Teacher, Philippines 1 Comment

Smart Communications, Inc or SMART will conduct the first “Ano ang Kwento Mo” Contest. This is one of the three major competitions for “Doon Po Sa Amin” project.

This contest aims to have teacher and student teams to do basic community mapping by doing creative video blogs (vlogs) and feature their communities’ distinct characteristics and culture.

Read the DepEd Memorandum 333, s. 2010 here.

The contest is open to ALL public and private high school teachers and students nationwide.

Read the “Ano ang Kwento Mo” Contest mechanics here.

This is the Doon Po Sa Amin site, please check it out.

Read the rest…

Full Transcript of President NoyNoy Aquino’s State of the Nation Address 2010

Filipino, From the Teacher, Philippines, Sibika/Makabayan 1 Comment

Here is a link to the full transcript of the State of the Nation Address of President NoyNoy Aquino during the 15th Philippine Congress.

Some excerpts:

Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot.

Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig.

Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas.

Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.

Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.

Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.

Pagbubuo ng Salita

Filipino, Grade 2 Lessons, The Son Comments Off on Pagbubuo ng Salita

Ang Alamat ng Lawa ng Sampalok

Ibahagi ang tinanggap na ligaya, tatamuhin ay ibayong pagpapala.

_____________________________________________________________

Pagbubuo ng Salita

  • Ang salita ay binubuo ng mga pantig.
  • May mga salitang bunubuo ng isa, dalawa, tatlo o mahigit pang pantig.

  • Ang mga salitang may sa o dalawang pantig ay maaaring mapahaba sa pamamaitan ng pagdaragdag ng titik o pantig sa unhan o hulihan nito.

Halimbawa: sa – sawa; isa

  • Nakabubuo naman ng maikling salita mula sa mahabang salita sa pamamagitan ng paggulo sa mga pantig o sa mga titik nito.

Halimbawa: minamahal – mina, mama, ina, hila, mali, mani

Pagpapantig ng mga Salita

Filipino, Grade 2 Lessons, The Son Comments Off on Pagpapantig ng mga Salita

Kabutihang mula sa puso, gantimpala ang matatamo.

_____________________________________________________________

Pagbubuo ng Pantig at Pagpapantig ng Salita:

Ang ibang salita ay binubuo ng pantig. Ang pantig ay binubuo ng:

  1. Tunog na patinig lamang (P) Halimbawa: abo
  2. tunog na pinagsamamng katinig at patinig (KP) Halimbawa: guro
  3. tunog na pinagsamang patinig at katinig (PK) Halimbawa: itlog
  4. Tunog na pinagsama-samang katinig, patinig at katinig (KPK) Halimbawa: pawis
  5. tunog na pinagsama-samang dalawang katinig at isang patinig (KKP) Halimbawa: tsokolate o dalawang patinig at katinig (KKPK) halimbawa: trak

Wastong Gamit ng ANG at ANG MGA

Filipino, Younger Daughter Comments Off on Wastong Gamit ng ANG at ANG MGA

Filipino Prep

Wastong gamit ng ANG at ANG MGA

Ang ANG ay ginagamit kapag isa lang ang bagay:

  1. Ang ibon ay lumilipad.
  2. Ang aso ay tumatahol.

Ang ANG MGA ay ginagamit kapag maraming bagay ang pinag-uusapan:

  1. Ang mga bata ay naglalaro.
  2. ANg mga bulaklak ay mapupula.

« Previous Entries Next Entries »